Bago lumipas ang isa na namang taon samahan ninyo kong magbalik tanaw sa mga iilang lugar na nabisita ko sa Pilipinas. I believe everything happens for a reason. Sinadya talaga ng Universe na maging single ako sa unang quarter palang ng 2015 para magkaroon ako ng freedom mag travel. Even my ex told me, “I’m happy for you, nagagawa mo na yung mga gusto mo”. Before kasi may reservations ngayon with all forms na. Hahaha!
January 2015, When I decided to start na seryosong traveling na to. I said I want to travel every other month. Na naging every month, naging every other week tapos umabot sa point na every week, Swear nakakapagod…. sa bulsa. Feeling ko nga hindi na natutuwa yung boss ko kasi lagi akong nawawala. 🙂

My travel stories of 2015
Let’s have a quick throwback to all the places that I’ve been with. It all started in Cebu sobrang na amaze ako sa pagka laid back ng Bantayan Island. Nag staycation sa Q.C right after my Cebu trip. Then from south I travel all the way to Sagada kasi doon daw nag pupunta yung mga broken hearted and explored Batad, Ifugao too. Hindi ko na daanan yung Baguio pero I promise na babalikan ko sya next month which I did. Afterwards, visited and found the best place for team building in Laguna. Hindi ko din pinaglapas ang free entrance ng National Museum and explore some parts of Manila. Also, I had my first-time travel with my new found friend; Marge in Tagaytay. After that, I brought my family to Bolinao and Bani Pangasinan. I went south again and explore another relaxing island called Gigantes in Iloilo and explore the city too. Sabi nila hindi daw safe sa Mindanao pero I had the best solo travel in Butuan all the way to Surigao Del Sur. Dahil medyo napapagod na ko hindi muna ko lumayo sa Manila and check out Bataan. Then eventually nakita ko din ang mga tsokolateng burol ng Bohol na dati sa elementary textbook ko lang nakikita. Celebrated my friends birthday in a private island in Cavinti, Laguna. Medyo lumablyp sa gitna ng taon at nakipag date sa Pinto art Museum, nag staycation sa Azumi hotel sa Alabang at first time ko nag camping sa buong buhay ko and that was in Batangas. At dahil super love ko ang Mindanao bumalik ult akong mag-isa all the way from Manila. I travel to Davao City, Samal island passing Gen. Santos going South Cotabato where I found a very peaceful place called Lake Sebu. Sa sobrang pagmamahal ko sa ex ko JOKE! haha #bitter we travel together back to Ifugao and I brought him to Batad. Syempre #walangforever muli na naman akong nasawi ngunit nainlove muli sa ganda ng Coron, Palawan. Every place leads me closer to my #100happylocaltravels goal.
After visiting quite some places in 1 year syempre meron akong Top 5 favorite Places na sana bisitahin nyo din this 2016. Now, revealing my top 5 in no particular order.
1.Batad, Ifugao – Sobra yung pagmamahal ko sa Batad, Ifugao. Aside from the fact na its a World Heritage Site Dude! WOW na Wow! talaga siya. I think perfect timing yung pag visit ko ng first quarter ng 2015 kasi green na green talaga yung field at binalikan ko sya ulit bago matapos yung taon. Sabi ko sa sarili ko yung mga taong magiging special sa buhay ko dadalhin ko dito. Hindi ako mag sasawang bisitahin ka. I have a medyo life changing experience in Ifugao. Check this article to know my story in Batad.
How Batad Ifugao Restored My Faith in Humanity

My happiest place on Earth
2. Gigantes Island, IloIlo – Bakit special ang Gigantes for me? Siguro isa to sa mga places na perfect para sakin. kasi slow paced ang buhay sa island. Mahina ang signal ng network, walang wi-fi, ang sarap ng seafood at take note ang MURA ng scallops like isang malaking plastic bag for 200php. Maganda yung rock formations simple lang pero astig. Sweet ang mga tao and they are very welcoming to travelers. Check this article to know more about my Gigantes experienced.
Your Complete Travel Guide to Islas De Gigantes

Cabugao Gamay – Islas de Gigantes
3. Surigao Del Sur- Sabi nga ni Daniel Padilla “Na sayo na ang lahat”. Feeling ng ko nasa Surigao Del Sur na ang lahat ng hinahanap ko whenever I travel. Affordable accommodation, mura ang transportation, amazing ang view, memorable experiences and wtf moments. Enchanted is okay but when I first saw Tinuy-an Falls may WTF! moment talaga at the best ang beaches ng Britania Islands. Siguro kung may mga bagay na hindi ako makakalimutan, ito yung mga buwis buhay na pag na paghahabal-habal. Natawag ko yata lahat ng mga santo habang nasa byahe. Check my complete travel guide here.
Solo Travel Guide to Surigao Del Sur; River, Falls and the Sea

Tinuy-An falls
4. Bohol – For me, kung meron kang maiksing oras to visit the Philippines. You should visit Bohol. Wala ka ng hahanapin pa. Although hindi mura to travel Bohol, at least. Sulit na sulit naman. Both land and water tours are amazing and heaven on earth ang beach at kung gusto mo pumarty-party merong night life. This is one of the best examples ng balance traveling meaning relaxing and getting wild all at the same place. You can check my review here.
Bohol: An Island Full of Wonder!

Chocolate Hills
5. Coron, Palawan. Finally, nasagot ko din yung tanong sa isip ko na – El Nido Vs Coron? I visited EL Nido late 2014 and always been my top favorite. Now to answer the question which is the best El Nido or Coron? When it comes to rock formations El Nido got my vote but when it comes to underwater experience Ill give my YES to Coron. Take note ang mga fishes sa Coron hindi takot sa tao unlike sa ibang places na pag nag swim ka lalangoy na sila paalis. Specifically, in Banana Island I feel like they are playing with me not just fish huh! but including baby shark. At dahil feeling ko parte ako ng dagat bago ko ma reincarnate na tao. I’ll give my +1 point to Coron. Check this article about my Coron trip.
30 Photos that will excite you to visit Coron!
The Philippines is a very stunning country and we should be thankful about it. Kahit minsan , okay madalas naiinis ako sa buhay sa Manila. Love na love ko padin ang Pinas. I currently been to 30 something places here out of 81 cities. Pero sobrang dami pang pupuntahan at sobrang na eexcite ako sa 2016. Even though, I’m starting to travel outside the country. Hindi ako mag sasawang libut-libutin ka. #VisitthePhilippinesagain2016
I love how this was honestly written. Awesome list. I hope I get to visit these places too. 🙂
Thank u Melissa! Appreciate that!
I love the pics 🙂
Thanks Obet 🙂
wow! galing!! 🙂 nakarelate ako dun sa hindi na natutuwa boss haha same here! 🙂
Hahahaha! Hadlang talaga ung trabaho sa pag tatravel e hahaha!
hahaha!! ^_^ lalo na pag hindi napayagan mag leave..saklap!
Napakagala mong talaga, kaya naiimbey sayo boss mo eh! Hahaha… Pero sa totoo lang kahit ako ang tanungin, magalit na ang lahat, pero never akong papapigil sa pag travel. At tama ka, sobrang ganda ng pinas. Kahit marami pang mas magandang lugar sa ibang bansa, hinding-hindi ko ipagpapalit ang pinas.
Here’s to more travels in 2016! Alis tayo ulit teh!
Oo naman te madami pa tayong pupuntahan together 🙂 more travels for us…